作词 : Carl Guevarra/Rj Cruz
作曲 : Carl Guevarra/Rj Cruz
Nakatingin na naman sa kawalan
Tinatago ang tunay na nararamdaman
Hanggang kailan ko ‘to kakayanin
Hanggang saan kita uunawain
Pa’no ipaglalaban ang pagmamahal
Kung sa pananatili ay nasasakal
Nahihirapan na ating mga damdamin
Hindi malaman kung pa’no aminin
Naubos na ang luha
At mga salita
Siguro’y ‘di sapat
Aking pagmamahal
Ito na ba ang hinihintay
Ang pagwawakas ng paglalakbay
Lahat nama’y ibinigay
Ngunit balewala lang
Kaya paalam
Kailangan na yatang harapin
Na ito ay ‘di para sa atin
Mahirap man na tanggapin
Hanggang dito lang tayo
Ito na ang dulo
(Ang dulo, ito na ang dulo)
Bibitawan at palalayain ka
Kasama ang pangako’t alaala
Ngunit hindi kita pipilitin
Hahayaan ko na lang
Ito’y ‘yong mapansin
Naubos na ang luha
At mga salita
Siguro’y ‘di sapat
Aking pagmamahal
Ito na ba ang hinihintay
Ang pagwawakas ng paglalakbay
Lahat nama’y ibinigay
Ngunit balewala lang
Kaya paalam
Kailangan na yatang harapin
Na ito ay ‘di para sa atin
Mahirap man na tanggapin
Hanggang dito lang tayo
Ito na ang dulo
Gusto mang kumapit
Mahirap ipilit ang ‘di para sa atin
Hihintayin ko
Na maramdaman mo
Ito na ang dulo
Ito na ba ang hinihintay
Ang pagwawakas ng paglalakbay
Lahat nama’y ibinigay
Ngunit balewala lang
Kaya paalam
Kailangan na yatang harapin
Na ito ay ‘di para sa atin
Mahirap man na tanggapin
Hanggang dito lang tayo
Ito na ang dulo
Ang dulo (ito na ang dulo)
Hanggang dito lang tayo
Ito na ang dulo