作曲 : William Elvin Laguesma Manzano
Ikaw ay isang rosas
Na humahalimuyak
At wala ng katulad
Sa hardin ng mga bulaklak
Ang ngiti sa iyong labi
Ay nakahalina
Nanunukso at tila
Ang oras ay tumitigil pa
Maiinggit ang bukang-liwayway
Ang ganda niya'y nawalan ng saysay
Sa kulay mong tinataglay
At sa mundo ibinigay
At sa simoy ng hangin
Masayang inaawit
Ang nakarehas na damdamin
Ng puso kong pumipintig
Tuloy lang ang pangarap
Nang sumisintang makata
Ang sumusuyo kong diwa'y
Nag-alay ng walang hanggang tula
Maiinggit ang bukang-liwayay
Ang ganda niya'y nawalan ng saysay
Sa kulay mong tinataglay
At sa mundo ibinibigay
Maiinggit ang bukang-liwayway
Ang ganda niya'y nawalan ng saysay
Sa kulay mong tinataglay
Maiinggit ang bukang-liwayway
Ang ganda niya'y nawalan ng saysay
Sa kulay mong tinataglay
At sa mundo ibinibigay
Haaaaaay...