作词 : Danilo Famero Fabella
作曲 : Danilo Famero Fabella
Inay, Itay, ako po ay lilisan
Patutunguhan ko ay isang digmaan
Mag-aalay ako ng panahon at buhay
Para sa kalayaan
Inay, Itay, wag kayong mag alala
Inyong pagmamahal ay lagi kong madarama
Sa marami pang ama at inang mapagkalinga
Sa tahanang alay nila
Sa aking pag alis, kayo'y hindi rin mawawalan
Libong anak sa inyo'y laging magdaraan
Katulad ko ring mabubuting anak ng bayan
Pagbati ko sa inyo'y ihahatid nila
Silang anak nyo rin at kasama
Kasabay ng mga ngiti sasabihin nila:
Inay, Itay, kumusta na?
Inay, Itay, sa ating paglalayo
Pinapangako kong hindi tayo mabibigo
Ang ating hangad na malayang bukas
Ay tiyak na matutupad
Sa aking pag alis, kayo'y hindi rin mawawalan
Libong anak sa inyo'y laging magdaraan
Katulad ko ring mabubuting anak ng bayan
Katulad ko ring mabubuting anak ng bayan