作曲 : Lester V Flores
Sa pag-ibig muling naniwala
Nang dumating ka
Sabi nila'y hindi tama
Ngunit sumugal pa
Pero 'nung nawala ang mga kislap sa mata
Mawawala na rin ba tayong dalawa?
Bahaghari sa piling mo
Sa isang iglap naging abo
May pupuntahan pa ba ito?
O dito na lang hihinto?
Araw-araw ako'y nagtatanong
"Bakit dito humantong?"
Anong nangyari kahit wala namang nangyayari?
Pwede bang kumilos kahit ito'y kunwa-kunwari?
Pero 'nung nawala ang mga kislap sa mata
Mawawala na rin ba tayong dalawa?
Bahaghari sa piling mo
Sa isang iglap naging abo
May pupuntahan pa ba ito?
O dito na lang hihinto?
Kahit piliting ayusin
Ano man ang sabihin
'Di na posible
Sa'ting sirang damdamin
Dito na, hindi na kaya
Dito na, titigil na
Bahaghari sa piling mo
Sa isang iglap naging abo
May pupuntahan pa ba ito?
O dito na lang?
Dito na lang
Bahaghari sa piling mo
Sa isang iglap naging abo
May pupuntahan pa ba ito?
O dito na lang?
Bahaghari sa piling mo (Anong nangyari kahit)
Sa isang iglap naging abo (Walang nangyayari)
May pupuntahan pa ba ito? (Bakit imposible kahit kunwari?)
O dito na lang hihinto