Je Rome - Tayo Laban Sa Mundo
Sa sandaling hindi ka mamasdan
Ay tumitigil ang mundo
Pagmamahal na nararamdaman
Ay ilalaban kailanman
Hanggang sa dulo ng walang hanggan panghahawakan
Sa pagdating ng nagbabadyang ulan
'Di papipigil ang puso
Ano pa man ang sabihin ng iba
'Di maniniwala hindi mag-iiba
Hanggang sa dulo ng walang hanggan panghahawakan
Hawak-kamay kita
Hindi hinding-hindi bibitaw
Hawak-kamay kita
Pagkat dito sa aking mundo
Tanging ikaw lang at ako
Ikaw at ako tayo laban sa mundo
Aking dasal sa ating maykapal
Na iyong malaman na mahal kita
Mundo ko'y umikot lang sa'yo
Pawang panaginip na lang ba
Hanggang sa dulo ng walang hanggan panghahawakan
Hawak-kamay kita
Hindi hinding-hindi bibitaw
Hawak-kamay kita
Pagkat dito sa aking mundo
Tanging ikaw lang at ako ikaw at ako tayo laban sa mundo